ABS-CBN Fact Check's Avatar

ABS-CBN Fact Check

@abscbnfactcheck.bsky.social

Independent fact-checking by @news.abs-cbn.com. Help us fight disinformation. Send us dubious claims: factcheck@abs-cbn.com or https://bit.ly/abscbnfactcheck

1,571 Followers  |  9 Following  |  375 Posts  |  Joined: 20.11.2024
Posts Following

Posts by ABS-CBN Fact Check (@abscbnfactcheck.bsky.social)

Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...

02.03.2026 09:41 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 0    πŸ“Œ 0
Post image

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Naging target ng mga kumalat na maling impormasyon ang ICC at mga kaanak at abogado ng EJK victims. Kumalat ang mga ito kasabay ng confirmation of charges hearing ni dating Pang. Rodrigo Duterte noong Peb. 23-27, 2026.

@news.abs-cbn.com

02.03.2026 09:41 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0

Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...

25.02.2026 10:11 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 0    πŸ“Œ 0
Post image

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Minanipula ang kumakalat na larawan ng mga kaanak at taga-suporta ng mga biktima ng extrajudicial killings para palabasing may bitbit silang mamahaling bag habang nasa the Netherlands para sa hearing ni dating Pang. Rodrigo Duterte.

@news.abs-cbn.com

25.02.2026 10:11 β€” πŸ‘ 1    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0

Ugaliing kumuha ng mga lehitimong impormasyon sa www.abs-cbn.com at sa mga opisyal na social media account ng ABS-CBN News upang hindi malinlang. (6/6)

16.02.2026 07:42 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 0    πŸ“Œ 0
Post image

Kapag pinindot naman ang link na nasa ibaba ng nasabing ad, dumidiretso ito sa pekeng ABS-CBN website na may URL na β€œbristalovemx.sbs”, imbes na sa opisyal na β€œabs-cbn.com.” (5/6)

16.02.2026 07:42 β€” πŸ‘ 1    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0
Post image

Batay sa pagsusuri ng AI-detection tool na Hive Moderation, mataas ang posibilidad na manipulado ng AI ang nasabing bidyo. (4/6)

16.02.2026 07:42 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0
Post image

Ginamit din ang minanipulang bidyo ni Sy-Coson para magmistulang inaanunsiyo ang kanyang diumano’y investment platform. Ang orihinal na bidyo ay mula sa kanyang panayam sa Bloomberg Television na ini-upload noong Nov. 21, 2019. (3/6)

16.02.2026 07:42 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0
Post image

Sa pekeng ulat, minanipula ang boses at buka ng bibig ni Velasquez. Ang orihinal na bidyo ay mula sa episode ng The World Tonight ng ANC noong Oct. 10, 2025 kung saan walang binanggit tungkol sa anumang investment scheme. (2/6)

16.02.2026 07:42 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0
Post image

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSEβ€―β€―

Ginamitan ng deepfake o artificial intelligence (AI), ang isang ulat ni ABS-CBN News Channel o ANC anchor Tony Velasquez tungkol sa diumano'y investment scheme na inilunsad ng businesswoman na si Teresita Sy-Coson. (1/6)

@ABSCBNNews

16.02.2026 07:42 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0

Ugaliing kumuha ng mga impormasyon sa lehitimong impormasyon sa abs-cbn.com/news at sa mga opisyal na social media account ng ABS-CBN News upang hindi malinlang. (5/5)

09.02.2026 09:33 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 0    πŸ“Œ 0
Post image

Ayon sa Verification Portal feature ng Food and Drug Administration (FDA), walang record at hindi rehistrado ang produktong "Mullein Leaf Extract." (4/5)

09.02.2026 09:33 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0
Post image

Mataas ang posibilidad na deepfake o ginamitan ng artificial intelligence (AI) ang naturang bidyo base sa resulta ng AI-detection tool na Hive Moderation. (3/5)

09.02.2026 09:33 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0
Post image

Kuha ang bahagi ng video sa episode ng programa na tumatalakay sa sakit na tuberculosis na inilabas noong March 24, 2024. Ginamitan ng deepfake si Mateo upang palabasing hawak niya ang produktong "Mullein Leaf Extract" at hinihikayat ang mga taong bilhin at gamitin ito. (2/5)

09.02.2026 09:33 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0
Post image

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Minanipula ang bahagi ng video sa programang Oh, MD ni ABS-CBN News reporter Raphael Bosano upang pagmukhaing ineendorso ng pulmonologist na si Dr. Imelda Mateo ang isang produkto na diumano'y gamot para sa ubo at baga. (1/5)

@news.abs-cbn.com

09.02.2026 09:33 β€” πŸ‘ 1    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0

Ugaliing kumuha ng mga lehitimong impormasyon sa www.abs-cbn.com/news at sa mga opisyal na social media account ng ABS-CBN News upang hindi malinlang. (5/5)

29.01.2026 07:48 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 0    πŸ“Œ 0
Post image

Kapag pinindot naman ang link na nasa ibaba ng nasabing ad, dumidiretso ito sa pekeng ABS-CBN website na may URL na β€œfootprfvgz.com”, imbes na sa opisyal na β€œabs-cbn.com/news.” (4/5)

29.01.2026 07:48 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0
Post image Post image

Batay sa pagsusuri ng AI Video Detector, mataas ang posibilidad na manipulado ng AI ang nasabing bidyo. (3/5)

29.01.2026 07:48 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0
Post image

Kuha ang orihinal na bidyo mula sa episode ng programang Headstart noong November 5, 2025. Nakapanayam ng host na si Karen Davila si Baricuatro, at natalakay ang Bagyong Tino at flood control projects sa Cebu. Walang binanggit o iniulat tungkol sa anumang investment scheme. (2/5)

29.01.2026 07:48 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0
Post image

Ginamitan ng articifial intelligence (AI) ang panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC) kay Cebu Gov. Pamela Baricuatro para palabasing ineendorso niya ang umano’y investment scheme na magpapalago ng pera sa loob ng isang buwan. (1/5)

@news.abs-cbn.com

29.01.2026 07:48 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0

Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...

21.01.2026 15:10 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 0    πŸ“Œ 0
Post image

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Wala pang teknolohiyang makakatantiya kung kailan at saan tatama ang isang malakas na lindol, ani PHIVOLCS. Pinabulaanan nito ang kumakalat na post tungkol sa umano'y lindol na maaaring tumama sa Bicol, Batangas, Kidapawan, o Tagum.

@news.abs-cbn.com

21.01.2026 15:10 β€” πŸ‘ 1    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0

Walang inilabas na tweet si Musk tungkol kay Eala noong December 28, habang ang huling tweet ni Davila ay noon pang December 24.

Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...

31.12.2025 11:34 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 0    πŸ“Œ 0
Post image

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Taliwas sa sinasabi sa Facebook post, walang naging mainit na palitan ng mensahe sa pagitan ni billionaire Elon Musk at ABS-CBN News anchor Karen Davila tungkol kay Alex Eala sa social media platform na X noong December 28, 2025.

@news.abs-cbn.com

31.12.2025 11:34 β€” πŸ‘ 2    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0

Mariing pinabulaanan ng pamilya ni Enrile ang nilalaman ng pekeng report at hindi rehistrado sa Securities and Exchange Commission ang naturang platform na binanggit sa pekeng ulat.

Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...

08.12.2025 15:02 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 0    πŸ“Œ 0
Post image

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Walang inilabas na ulat ang ABS-CBN News tungkol sa dumano’y bilyun-bilyong pamana ng yumaong si dating Senador Juan Ponce Enrile.

@news.abs-cbn.com

08.12.2025 15:02 β€” πŸ‘ 1    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0

Ugaliing kumuha ng mga lehitimong impormasyon sa www.abs-cbn.com/news at sa mga opisyal na social media account ng ABS-CBN News upang hindi malinlang. (6/6)

11.11.2025 11:06 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 0    πŸ“Œ 0
Post image

Batay sa pagsusuri ng AI-detection tool na Hive Moderation, mataas ang posibilidad na deepfake ang naturang bidyo. (5/6)

11.11.2025 10:44 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0
Post image

Kapag pinindot naman ang link na nasa ibaba ng nasabing ad, dumidiretso ito sa pekeng ABS-CBN website na may URL na β€œgrannystps.com”, imbes na sa opisyal na β€œabs-cbn.com.” (4/6)

11.11.2025 10:44 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0

Makikita ang manipuladong bidyo ng TV Patrol sa isang Facebook ad at nilapatan ng tekstong: β€œEACH FILIPINO WHO INVESTS 6,227 PHILIPPINE PESOS WILL RECEIVE 168,000 PHILIPPINE PESOS IN THE FIRST WEEK.” (3/6)

11.11.2025 10:44 β€” πŸ‘ 0    πŸ” 0    πŸ’¬ 1    πŸ“Œ 0